CAPAS, Tarlac – Tiniyak ng construction firm na MTD Philippines na matatag at matibay ang mga pasilidad na gagamitin sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games sa New Clark City sa Capas, Tarlac kahit na tatapusin nila ito nang mas maaga sa takdang oras.
Target kasi ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at ng nasabing infrastructure developer na sa Agosto 31 ang date of completion ng athletics stadium at aquatics center.
Paliwanag ni company president Patrick Nicholas David, ilang mga bagyo noong nakalipas na taon at lindol noong Mayo na ang nagdaan ngunit wala raw silang nakitang anumang pinsala sa mga imprastraktura.
Aminado naman si David na minadali ang paggawa dahil kadalasan umano sa ganitong mga proyekto ay kailangang tatlong taon ang gugulin bago tuluyang matapos.
Gayunman, sinabi ng opisyal na nakaprograma na raw ito at matatapos ito sa itinakda nilang sariling deadline.
“Everything is rushed but we have timed it, programmed it that we wiill finish it ahead of schedule,” ani David.
Sa panig naman ni BCDA President Vince Dizon, sa oras na matapos na ang konstruksyon ng mga pasilidad sa kalagitnaan ng Agosto ay ipapagamit na nila ito sa mga atleta.
“The good thing is if we meet our timeline of August 31, our athletes can start using them as early as mid-August. We want them to get acclimatized with the new facilities. It’s sad that they are training in old, rundown facilities. They need time to get use to the facilities. That’s what I’m most excited about,” wika ni Dizon.
Sa ngayon ayon kay Dizon ay nasa 90% nang tapos ang 20,000-seater Athletics Stadium at ilang mga bagay na lang ang kanilang aaayusin.