-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Sisiyasatin ng Regional Development Council (RDC) Cordillera ang mga usapin at isyu sa Chico River Pump Irrigation Project na isinasagawa sa Pinucpoc, Kalinga.
Ayon kay Milagros Velasco, vice chairman ng RDC-Cordillera, kailangang pag-aralan ng fact-finding committee ang mga kontrobersiya sa proyekto para sa mas mabilis na pagbuo ng solusyon.
Isa sa mga problemang natuklasan ng RDC ang kawalan ng environmental compliance certificate sa nasabing proyekto.
Natuklasan din ng ahensiya na walang isinagawang “free prior and informed consent” bago isagawa ang proyekto.
Maliban diyan ay una nang natuklasan na marami sa mga trabahador sa proyekto ay mga Intsik na walang working permit.