Inihanay ng Department of Energy (DoE) – Oil Industry Management Bureau ang ilang pangunahing dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng presyo sa mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Director Rodela Romero na bunsod ito ng paggalaw sa presyo ng langis sa pandaigdigang pangkalakalan.
Nakaapekto kasi aniya sa galaw ng presyuhan sa international market ang announcement kamakailan ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbabawas sila ng produksyon pagsapit ng Nobyembre.
Ayon kay Romero, Nobyembre pa ang schedule ng production cut ng naturang international body pero agad aniyang nagkaroon ng espekulasyon ang merkado kaya nagtaas na rin agad ng presyo nitong nakaraang linggo.
Maliban dito, sinabi ng opisyal na dumagdag pa sa dahilan ay ang pag-“build up” ng imbentaryo ng Amerika sa kanilang krudo.
Ang mga ito uano ang mga dahilan kung bakit may pagtaas ngayong araw sa presyo ng gasolina, krudo at gaas.