-- Advertisements --
Bumilis ang bilang ng mga nagtayo ng pagawaan sa bansa noong buwan ng Nobyembre.
Ito na ang itintuuring ng S&P Global na pinakamabilis sa loob ng 29 buwan.
Isa sa mga dahilan nito ay ang pagtaas ng demand sa mga lokal na produkto.
Nitong buwan kasi ng Nobyembre ay mayroong 53.8 percent ang pagtaas mula sa 52.9 percent noong Oktubre.
Nakikitang rason sa nasabing pagtaas ay dahil sa tumaas ang mga nag-order para sa buwan ng Disyembre.
Isang hamon lamang ngayon ng mga manufacturers ay ang supply ng kanilang produkto dahil sa mga nagdaang mga bagyo.