-- Advertisements --
Senate hearing bilibid Bucor faeldon

Dumating ng maaga sa Senado si Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gen. Nicanor Faeldon para sa pagdinig ng blue ribbon at justice committee.

May kaugnayan ang hearing sa umano’y pagpapalaya sa halos 2,000 convicted criminals, kasama na ang mga dawit sa isyu ng iligal na droga.

Iginiit ni Faeldon na hindi niya inisip na lumiban sa pagdinig, kahit may ibang aktibidad sanang nakatakda ngayong araw ang kaniyang tanggapan.

Ang BuCor head ay dati nang nakulong sa Senado dahil sa hindi pagsipot sa mga pagpapatawag noon kaugnay ng mga nakapuslit na droga sa Bureau of Customs (BoC).

Present din sa hearing Justice Sec. Menardo Guevarra at ang mga magulang nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.