Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bombo Radyo na malabo na nitong italaga uli si dating Bureau of Corrections (BuCor) director-general Nicanor Faeldon.
Magugunitang tinanggal ni Pangulong Duterte si Faeldon sa gitna ng kontrobersya sa pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law pero inihayag nitong naniniwala pa rin siya sa katapatan ng dating Marine captain.
Sa Oath-Taking Ceremony ng Malacañang Press Corps (MPC) Officers, sinabi ni Pangulong Duterte na may tumanggap na kay Faeldon na isang private corporation.
“Hindi na siguro. Private. May tumanggap na sa kanya. Private corporation.”
Kasabay nito, welcome naman kay Pangulongh Duterte ang pagpapasuspinde ng Office of the Ombudsman sa nasa 30 opisyal ng BuCor na sangkot sa pag-compute ng GCTA ng mga inmates o convicted criminals.
Ayon kay Pangulong Duterte, nasabi na nga nitong sa mga lumabas na testimonya sa Senate inquiry, mayroon ng prima facie case laban sa mga BuCor officials.
Batay pa lamang sa pag-amin ng mga BuCor officials na nagkulang o nagpabaya sa kanilang tungkulin, sapat na para sila’y panagutin.
“Alam mo sinabi ko na sa inyo, I — I’m sure I made the statement that by the looks of it, meaning ang documentation plus their testimony already established the prima facie case. Especially when they admitted that they were remiss in their duty at the very least. Kung sabihin mo remiss, you use the word “remiss.” At the very least that is negligence. ‘Yun pa lang,” ani Pangulong Duterte. ‘Yung the… They use the — ah ganito… Non-compromising word, remiss. Kung magsabi ka “we admit” ganun. Ito, it does not refer to any particular… But ‘yan in law, that is really negligence. Negligence is you fail to do what is mandated by the law.”