-- Advertisements --
BuCor Faeldon
BuCor Chief Faeldon

Tiniyak ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon ang pagdalo nito sa pagdinig ng Senado ngayong araw.

Ito ay matapos na kanselahan nito ang ilang mga nakatakdang lakad niya ngayong araw.

Ang nasabing hakbang ay matapos na maglabas ng subpoena ang Senate blue ribbon committee na pinapadalo si Faeldon para mabigyang linaw ang pagpapalaya sa ilang libong convicts na pinagbabasehan ay ang Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Magugunitang umani ng batikos ang GCTA na napapaloob sa Republic Act 10592 matapos na muntik ng mapalaya si dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na kasalukuyang nahatulan ng pitong life sentences at nakapiit sa New Bilibid Prison.