-- Advertisements --

Hinimok ng ilang senador si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang italagang muli sa mga ahensya ng gobyerno ang sinibak na si dating BuCor Dir. Gen. Nicanor Faeldon.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, marami pa namang may kakayahan na maaaring maitalaga, sa halip na ilipat si Faeldon.

Para kay Sen. Sherwin Gatchalian, dapat magkaroon na ng delikadesa ang sinibak na BuCor chief at huwag na nitong tanggapin ang anumang posisyong maaaring ibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang sumablay na ang pamumuno ni Faeldon sa Bureau of Customs (BoC), makaraang malusutan ng bilyong halaga ng droga, ngunit naitalaga pa ito sa dalawang tanggapan ng gobyerno.

Sa panig naman ni Sen. Francis Tolentino, ipaubaya na lang sa Pangulo ang paghahanap ng bagong BuCor chief at maging ang magiging kapalaran ng sinibak na opisyal ng naturang ahensya.