-- Advertisements --

Pinawi ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang pangamba ng fans ni June Mar Fajardo na tanggal na ito bilang miyembro ng Gilas Pilipinas.

Ito ay matapos na hindi nakasama ang PBA Most Valuable Player sa 24-man players na sasabak sa FIBA Asia Cup qualifiers na inanunsiyo nitong Biyernes.

Ayon sa kay SBP president Al S. Panlilio, nais nilang magpahinga ng matagal ang beteranong Gilas player.

Kabahagi pa rin talaga si Fajardo kung saan siya ang mangunguna na pipiliin para sa World Cup 2023.

Dagdag pa nito na mahalaga na gamitin ng Gilas Pilipinas ang international experience ni Fajardo.