-- Advertisements --
Nakalikom ng halos P25,000 ang inilunsad na game channel ni PBA star June Mar Fajardo para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Naisip ni Fajardo mag-livestream ng kaniyang laro sa DOTA 2 para makalikom ng pondo na pantulong.
Dagdag pa nito na wala itong inilaan na minimum na halaga kung magkano ang puwedeo itulong
Pagtitiyak nito na magiging transparent siya sa perang nalikom na itutulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Kasalukuyang namimili ito ng organisasyon na maghahatid ng nasabing tulong sa mga nasalanta ng pagbaha.