-- Advertisements --
Patuloy pa rin ang ginagawang pagpapagaling ni San Miguel Beermen star June Mar Fajardo.
Sinabi ni Beermen coach Leo Austria, na posibleng matagalan pa bago tuluyang makabalik ang tinaguriang Most Valuable Player (MVP) ng koponan.
Bagamat mayroong improvement ay kailangang makabalik ito ng 101 percent bago makapaglaro.
Patuloy din ang ginagawang pagmomonitor nito sa nasabing kalagayan ni Fajardo.
Magugunitang noong nakaraang season ay nagtamo ng bali sa kanang tibia o sa harapan ng binti ng Beermen star.