-- Advertisements --
Posibleng matagalan pa bago makapaglaro si San Miguel Beermen star June Mar Fajardo.
Ito ay matapos na magtamo ng shin injury o muscle sa bahagi ng binti.
Ito na rin ang kaniyang natamo noong 2018 kung saan dalawang buwan siyang hindi nakapaglaro sa Governors’ Cup.
Naging matindi ngayon ang pananakit nito kaya may posibilidad na hindi ito makapaglaro ng buong season.
Magugunitang hindi na napasama ang dating PBA Most Valuable Player para sa laro ng Gilas sa FIBA Asia Cup qualifiers sna gaganapin ngayong buwan.