-- Advertisements --

Tinalakay sa pagdinig ng House tri committee ang mga ipinakalat na post ng mga vloggers at social media influencers na nagsasabi na ang Palawan ay dating pagmamay-ari at pinamamahalaan ng China.

Ayon kay 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez maraming tao ang naniniwala sa mga “lantaran at maling pahayag.”

Ayon sa kanya, ang mga post na nagpapalabas na hindi sakop ng Pilipinas ang Palawan ay sinadyang ginawa, at ginamit pa ng ilan gumagamit ang mga karakter sa wikang Chinese upang suportahan ito.

Ayon kay Commodore Jay Tarriela ng Philippine Coast Guard na ngayon lang niya narinig ang ganitong kampanya mula sa China tungkol sa West Philippine Sea (WPS) at ang lumalalang agresyon nito sa karagatan, maging sa social media.

Sinabi ni Tarriela ang nasabing fake news patungkol sa Palawan ay panibagong propaganda.

Sa ngayon ayon kay Tarriela, may WPS transparency group na nagmo-monitor sa mga social media platform.

Aniya, bahagi ng lumalawak na tungkulin ng PCG sa paglaban sa disinformation, na patuloy na kumakalat sa iba’t ibang social media platform.