Patok na patok sa New York ang isa sa tumatak na tagpo sa pelikulang “When Harry Met Sally” na inilabas noon pang 1989.
Pinagbidahan ito noon nina Meg Ryan bilang “Sally Albright” at Billy Crystal bilang “Harry Burns.”
Sa nasabing kwento, pinagtalunan ng dalawa kung maaari bang manatiling magkaibigang nagmamahalan ang babae at lalaki nang hindi hahantong sa “sex.”
Dahil sa pagpupumilit na iwasan ang pagtatalik, “fake orgasm” na lang ang naging option ng dalawa.
Ito naman ang naging konsepto ng Katz’s Delicatessen para ibalik ang nasabing tagpo, na gagampanan ng kanilang costumers.
Ang magwawagi sa contest ay magkakamit ng shipping package na nagkakahalaga ng $135, kasama ang ingredients sa paggawa ng legendary pastrami at turkey sandwiches, maliban pa sa commemorative T-shirt, tote bag, sign at pins.