-- Advertisements --
Matagumpay na nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang halos ₱7M na halaga ng mga pekeng produkto matapos ang isinagawang operasyon sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa ahensya, ang kabuuang halaga na ito ay katumbas ng 45,000 na piraso ng mga fake products.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng search warrant, at sinalakay ng NBI-Rizal District Office ang isang bodega sa naturang lugar.
Sinasabing ito ay pag-aari at pinapatakbo nina Kelvin Chua at Anna Chua at natukoy na ang mga produktong may tatak na TYROLIT ang kanilang kanilang iniimbak dito.
Nag-ugat ang naturang operasyon matapos ang inihaing reklamo laban sa mga nasabing indibidwal para sa paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.