-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa na maaari pang umabot sa tropical storm category ang bagyong Falcon, bago ang inaasahang landfall nito sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon kay Pagasa weather specialist Chris Perez, malakas na pag-ulan ang ihahatid ng sama ng panahon sa Northern Luzon, habang paiigtingin naman nito ang hanging habagat sa Metro Manila, Central Luzon at Western Visayas.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 940 km silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 60 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.