-- Advertisements --
Lalo pang uulanin ang malaking parte ng Northern Luzon dahil sa epekto ng bagyong Falcon at ng isa pang low pressure area (LPA).
Huling namataan ang LPA sa kanlurang bahagi ng Ilocos Sur.
Habang ang tropical storm Falcon naman ay nasa layong 195 km silangan ng Aparri, Cagayan.
Ayon kay Pagasa weather specialist Lorie dela Cruz, kumikilos ang bagyo nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
May lakas ito ng hanging 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
Umiiral ang tropical cyclone signal number two sa Batanes at signal number one naman sa Apayao, Cagayan, Ilocos Norte at Babuyan group of Islands.