-- Advertisements --
Lumakas pa ang bagyong Falcon habang nagbabanta sa extreme Northern Luzon.
Ayon kay Pagasa forecaster Benison Estareja, bagama’t may maximum sustained wind pa rin itong 55 kph, pumapalo na ngayon sa 70 kph ang gustiness nito, mula sa dating 65 kph kaninang umaga.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 510 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.
Kumikilos pa rin ito nang pakanluran sa bilis na 30 kph.
Inaasahang tatagal pa ito sa Philippine area of responsibility (PAR) hanggang sa darating na weekend.
Sa kasalukuyan, nakataas ang tropical cyclone signal number one sa Northern Isabela, Cagayan (kasama na ang Babuyan Islands) at Batanes.