-- Advertisements --

Lalo pang lumakas ang tropical depression Falcon habang papalapit sa Northern Luzon.

Ayon kay Pagasa weather specialist Chris Perez, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,025 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora.

Taglay na nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 65 kph.

Kumikilos si “Falcon” nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Bukas, inaasahang itataas na ang tropical cyclone signal number one sa mga lalawigan sa Northern Luzon.