-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang tropical storm Falcon habang papalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR).
Ayon kay Pagasa forecaster Ezra Bulquirin, mula sa 65 kph ay naging 75 kph na ang taglay na hangin ng bagyo, habang may pagbugsong 90 kph.
Huli itong namataan sa layong 385 km hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos nang pahilaga sa bilis na 20 kph.
Sa kasalukuyan nakataas ang tropical cyclone signal number one sa Batanes, habang ibinaba na ang mga babala sa ilan pang mga lugar.
Samantala, patuloy na binabantayan ang paglakas ng loow pressure area (LPA) na nasa 250 km kanluran hilagang kanluran ng Sinait, Ilocos Sur.
Inaasahang magiging ganap itong bagyo sa susunod na mga oras.