-- Advertisements --
Lalo pang lumaki ang banta ng landfall ng bagyong Falcon, matapos mapanatili nito sa nakalipas na mga oras ang lakas at tinatahak na direksyon.
Ayon kay Pagasa forecaster Ariel Rojas, base sa kanilang data, tatama ang sentro ng sama ng panahon sa lalawigan ng Cagayan sa Miyerkules, Hulyo 17, 2019.
Huli itong namataan sa layong 990 kilometro sa Silangan ng Virac, Catandes.
May taglay itong lakas ng hangin na 45 kph at pagbugsong 60 kph.
Magpapatuloy ito sa direksyong pahilagang hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Bukas, inaasahan ang pagtataas ng tropical cyclone signal number one sa Northern Luzon.