-- Advertisements --
Tuluyan nang nakalabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Falcon.
Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 655 kilometro sa hilaga hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 25 kph.
May lakas itong 80 kph at pagbugsong 100 kph.
Dahil dito, inalis na ang lahat ng public storm signals sa lahat ng lugar.
Samantala, unti-unti namang lumalakas ang low pressure area (LPA) na malapit sa Northern Luzon.
Para sa Japan Meteorological Agency (JMA), maituturing na itong tropical depression.
Huling namataan ang LPA sa layong 310 km kanluran hilagang kanluran ng Sinait, Ilocos Sur o sa labas pa ng PAR.