-- Advertisements --
TD Falcon July16
TD Falcon/ PAGASA Image

Napanatili ng Tropical Storm Falcon ang lakas nito habang ito ay papalapit sa Northern Luzon.

Sa taya ng PAGASA, nakita ang sentro nito sa 195 km East Southeast ng Tuguegarao City, Cagayan.

May lakas ito ng 65 km/h at pagbugso ng hannggang 80kph.

Nakataas naman sa Tropical Cyclone Wind Signal number 2 ang Batanes at northeastern Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Island.

Habang nasa signal number 1 ang natitirang bahagi ng Cagayan, Ilocos Norte, Abra, Apayao, Kalinga, Isabela, Mountain Province, Ifugao, Northern Aurora, Northern Nueva Vizcaya, at Northern Quirino.

Makakaranas ng katamtamang hanggang malakas na pag-ulan ang Ilocos Region, Cordiller Administrative Region, Cagayan Valley, Nueva Ecija, Aurora, Zambales, Occidental Mindoro, northern Palawan kabilang na ang Calamian at Cuyo Island, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo at Guimaras.