-- Advertisements --
vALLACAR BUS BFP

BACOLOD CITY – Muling sumiklab ang tensiyon sa Vallacar Transit Incorporated sa Barangay Mansilingan, Bacolod City kung saan daan-daang pulis ang idineploy upang i-install muli ang orihinal na mga security guards ng kompaniya.

Kahapon pa sa lugar ang mga miyembro ng Regional Civil Security Unit 6 kasama ang mga pulis mula sa Bacolod City Police Office at Negros Occidental Police Provincial Office upang ipatupad ang utos ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) na i-reinstall ang Armored Guards Negros Security Agency (AGNSA) na siyang nagbabantay bago ini-appoint si Roy Yanson bilang presidente ng Yanson Group of Bus Companies noong nakaraang buwan.

Dahil nagmatigas sina Roy at tatlong mga kapatid na tanggapin ang AGNSA, nanatili lamang ang mga pulis at mga gwardya sa labas ng compound dahil hinarangan ng bus ang gate.

Kaninang madaling-araw, bumalik sa lugar ang AGNSA ngunit wala pa ring nangyari.

Sa ngayon, naglagay ang mga pulis ng firetruck sa harap ng gate ng main shop at may mga pulis na nakabantay sa itaas nito.

Yanson Vallacar Bacolod guards

Gumamit na rin ang mga pulis ng tear gas kaninang madaling-araw ngunit walang lumabas sa main gate.

Gagamit na rin umano ng water cannon ang mga otoridad laban sa mga empleyado at gwardiya na nagmamatigas na nasa shop ng Ceres.

Kahapon, na-deliver sa main shop ang maraming boxes ng pagkain, bigas, tubig at iba pang basic commodities bilang paghahanda ng mga empleyado na manatili sa loob.

Matandaang nitong nakalipas na Miyerkules, napilitan si Roy Yanson na lumabas sa Bacolod South Terminal dahil hindi pinayagan ng mga pulis ang pagpasok ng pagkain kaya’t hindi siya nakakain at sumama ang pakiramdam.

Yanson Ceres Vallacar PNP
Ceres yanson Vallacar