Umaraw man o umulan ay wala pa ring patid ang operasyon ng Department of Social Welfare and Development.
Kaugnay nito ay naihatid na ng ahensya ang mga Family Food Packs sa lalawigan ng Batanes sa pakikipagtulungan ng mga volunteers mula sa Bureau of Fire Protection.
Ang naturang tulong ay inihatid ng DSWD sa Laoag City Airport sa Ilocos Norte sakay ng Philippine Air Force C-130 aircraft.
Batay sa datos ng ahensya, aabot sa 7,000 na mga family food packs ang target nilang maidelever sa nasabing lalawigan.
Una nang nagpadala ng aabot sa 6,000 na food packs ang ahensya sa Batanes bilang bahagi ng disaster preparedness efforts ng kanilang ahensya.
Ang hakbang na ito ay bilang tugon makaraang mag-isyu ng Tsunami warning ang Phivolcs kasunod ng naganap na malakas na lindol sa Taiwan noong nakalipas na linggo.