Nai-preposition na sa ilang rehiyon sa bansa ang mga family food packs na mula sa Department of Social Welfare and Development bilang paghahanda sa posibleng maging epekto ng Bagyong Betty.
Ayon kay DSWD Lucia Alan kasalukuyan nang nasa warehouse ng Cagayan ang 5,500 food packs.
Ang 2,500 food packs ay nasa Abulug warehouse samantalang ang kalahati ay nasa Lallo, Cagayan.
Inaasahan pang darating ang 6,000 na food packs at nakatakdang ipreposition sa Santiago City.
Dagdag pa rito, naka preposition na rin sa warehouse ng DSWD FO Region V ang mga food packs na kakailanganin upang maipamahagi sa tao sa panahon ng sakuna.
Sa kasalukuyan naman 49,833 ang naka imbak na family food packs sa Region V at 52,841 na non-food items o kits naman.
Pagdating naman sa parte ng Samar at Leyte ay naipreposition na rin ang 1,500 family food packs sa bawat lugar.
Ang mga ito ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, dalawang de lata ng sardinas, apat na de lata ng corn beef, apat na de lata ng tuna, limang pakete ng kape at limang pakete ng chocolate.
Ayon pa sa ahensya, prayoridad na mabigyan nitong mga food packs ang mga pamilya o indibidwal na nasa evacuations centers.