CENTRAL MINDANAO- Sa harap ng umiiral na Modified General Community Quarantine sa Probinsya hindi huminto ang serbisyo ng tanggapan ni Governor Nancy Catamco sa pamamagitan ng Provincial Population Division o (Popdiv) sa pagbibigay ng serbisyong may kinalaman sa pagpaplano ng pamilya.
Sinabi ni Ms. Cora G. Arances, Provincial Responsible Parenthood and Family Planing Focal Person, ihahatid ng Pamahalaang Panlalawigan ang serbisyo sa mga ka barangayan upang mas maintindihan ang pagpaplano ng Pamilya sa gitna ng pandemya.
Basi sa datus, kalimitang tumataas ang pregrancy rate sa panahon ng kalamidad. Ito diumano ang coping mechanism ng tao sa panahon na kailangang manatili sa bahay “ang maghanap ng kalinga at sex.” Dagdag ni Arances.
Kaakibat ang Rural Health Unit, health workers ng barangay, at mga kawani ng Municipal Health Units, mas pinaigting ng PopDiv Team ang paglilibot sa mga liblin na pook upang magsagawa ng information, education campaign kaugnay sa tamang pagpaplano sa pamilya.
Laki naman ang pasasalamat ni Brgy. Kagawad Adela M. Laguna kay Governor Nancy A. Catamco sa Pagpili ng kanilang brgy. Bilang sentro ng programa umabot sa 61 nanay ng brgy. Malabuan, Villaflores, at Malungon ang dumalo sa naturang programa.