-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nauwi sa trahedya ang masayang family reunion sa probinsiya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Elbert Royo Bugtay, 40-anyos, may asawa at nakatira sa Barangay Lungaob Sto Tomas, Davao Del Norte.

Ayon sa ama ng biktima na si Alberto Bugtay Sr., dumalo umano sila sa family reunion ng kanilang mga kamag-anak sa Brgy. Banawag Kabacan North Cotabato.

Mula umaga umano hanggang gabi ay nakipag-inuman si Bugtay sa kanyang mga kamag-anak.

Dahil kapwa lasing ang mga magkakamag-anak hindi nila namalayan na nahulog na pala ang biktima sa Dalapuan River na nasa gilid lamang ng bahay kung saan sila nag-iinuman.

Patay na nang matagpuan si Bugtay na lumulutang sa ilog.

Sa imbestigasyon ng Kabacan PNP sa pamumuno ni Police Major Realan Mamon wala naman silang nakitang foul play sa pagkasawi ng biktima.