-- Advertisements --
Sa bahay na lamang patuloy na nagpapagaling ang celebrity stylist at make-up artist na si Fanny Serrano.
Ito’y ayon sa kanyang matalik na kaibigan na si Sharon Cuneta na siyang nanguna nitong mga nakalipas na buwan sa panawagan na ipanalangin si Serrano.
Ayon sa Megastar, malaki ang tulong ng dasal kaya nakaligtas sa panganib si Fanny na dumanas ng massive stroke nitong Marso.
“THANK YOU SO MUCH, EVERYONE FOR ALL YOUR PRAYERS!!! I am happy to tell you that TF is now home, recuperating and on his way to a happy 100 more years! God still performs miracles in the present day. Praise Him!” saad ni Cuneta.