Kumpiyansa si British boxer Amir Khan na magkakaroon pa raw ito ng oportunidad upang patunayan ang kanyang sarili sa welterweight divison.
Reaksyon ito ni Khan matapos ang masaklap nitong TKO loss sa kamay ni WBO welterweight champion Terence Crawford sa naging bakbakan ng dalawa noong Linggo sa Madison Square Garden sa New York.
“One thing about America, I’ll always get opportunities here because I train here and there are many fights out there for me,” wika ni Khan.
Sinabi pa ng 32-year-old former unified light-welterweight world champion, nais pa rin daw siyang makita ng mga tao na harapin ang ilan sa mga malalaking pangalan sa 147-pound limit, gaya nina Keith Thurman at Pinoy legend Sen. Manny Pacquiao.
“There are rematches with [Danny] Garcia, people will still want to see me fight people like [Keith] Thurman and [Manny] Pacquiao,” ani Khan.
Ayon pa kay Khan, hindi pa raw ito handang magretiro sa boxing kasunod ng kontrobersyal na pagkabigo nito sa pound-for-pound king.
“I have to be ready to finish. I don’t want to finish thinking ‘could I have fought again?’ You have to do it at the right time, it has to be a solid decision. Retiring at the wrong time would haunt me forever, it would haunt anyone,†anang boksingero.