CAGAYAN DE ORO CITY – Nalungkot dahil tuluyang pinaluhod ng veteran team Boston Celtics subalit taas-noo naman na ipinagmalaki ng fans kasama ang Filipino community ang tandem nina Luka Doncic at Kyrie Irving ng Dallas Mavericks na lumaban hanggang game 5 ng National Basketball Association (NBA) kaninang umaga oras ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Ito ang eksklusibong paglalahad ng taga-Cagayan de Oro at nakabase na sa Texas na si Nikko Duterte patungkol sa kinahihitnan ng NBA finals kung saan kinapos ng kargada ang Mavs kontra sa mas subok na Celtics dribblers sa pinal iskor 106-88.
Sinabi ni Duterte na ipinagmalaki nila ang inibigay na team performance ng Dallas kahit sina Luka at Kyrie lang ang sinandalan nito para makaabot sa NBA finals.
Dagdag nito na bagamat talo pero kita naman na binigay lahat ng taga-Mavs ang kanilang makakaya upang tapatan ang mas malakas at kargado ng championship exposure na Celtics.