-- Advertisements --
image 8

Excited na ang mga fans ng actress-model na si Herlene Budol dahil sa kumpirmasyon ng beauty queen na siya nga ay lalahok sa Miss Grand International.

Ayon kay Herlene, sasali umano siya sa nasabing pageant dahil na rin sa motivation na natatanggap niya sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Matatandaan na si Herlene ang naging 1st runner up at nakakuha ng pitong special awards sa Binibinig Pilipinas noong nakaraang taon.

Sumali rin ang beauty queen sa Miss Planet International, pero umatras kalaunan dahil sa hindi magandang karanasan.