-- Advertisements --

Inalmahan ng mga fans ng Birtish rock group na Oasis ang presyo ng tickets para sa kanilang reunion concerts.

Sa mga concerts ng grupo kasi sa London at ilang bahagi ng Europa na ang pinakamurang halaga ng ticket ay katumbas ng mahigit P5,000.

Ilan sa mga fans ang nagsabing mas mahal pa ang presyo ng tickets ng grupo kaysa sa pop superstar Taylor Swift.

Magugunitang inanunsiyo ng magkapatid na sina Noel at Liam Gallagher na sila ay magrereunion concert.

Nagdagdag pa ng venue ang grupo sa ilang bahagi ng United Kingdom sa buwan ng Hulyo sa susunod na taon.