DAVAO CITY – Nalungkot ang mga fans ng Qatar sa naging resulta ng unang game ng kanilang team laban sa Equador sa opening game ng FIFA World cup 2022.
Ito ang inihayag ni Bombo International Correspondent Jeffrey Ybanez na nakapanuod sa laro. Aniya sa loob ng 31 minutos sa unang game, nakapagpasok na ng dalawang goals si Enner Valencia, kabilang na dito ang penalty kick. Dahilan upang maituturing na all-time highest goal scorer si Valencia mula ng makapasok ang Ecquador sa World Cup.
Sa kabilang dako ay nakatanggap naman ng yellow card ang football star ng Ecuador na si Jhegson Méndez matapos ang 64 minutes ng laro. Habang nabigyan naman ang ticket si Akram Afif sa Qatar ng yellow card dahil sa violation.
Sa Group A, sunod na makalaban ng Ecuador ang Netherlands ngayong Byernes, at Senegal sa susunod na Martes. Habang makakasagupa naman ng Qatar ang Senegal ngayong Biyernes at Netherlands sa susunod na Martes.
Ayon kay Ybanez ang sunod na laro, ay ang pagtutuos sa Group B, na kinabibilangan ng England at Iran mamayang 9 ng gabi, oras sa Pilipinas.
Sa kabilang dako, umaasa ang mga fans ng Qatar na makakabawi ang Qatar National Football team o The Maroon, lalo pa at homecourt advantage kung maituturing ang FIFA World Cup 2022.