-- Advertisements --

Nagwagi ng kanilang ika-walong Grammy Awards ang legendary band na The Beatles matapos ang 55 taon.

Ang kanta kasi na “Now and Then” ay napili bilang best rock performance sa Grammy.

Ito ang unang pagkakataon na kinilala ang Fab Four ng Recording Academy mula pa noong 1997.

Itinuturing kasi ng miyembro ng banda na si Paul McCartney bilang huling kanta ng grupo.

Isinulat kasi ni John Lennon ang kanta bago siya pumanaw noong 1980.

Ang original vocals na inirecord noon ni Lennon noong 1970 ay ipreniserba gamit ang artificial intelligence.

Tinanggap naman ni Sean Ono Lennon ang anak ni Lennon at Yoko Ono ang nasabing award ng grupo.

Tanging sina McCartney at Ringo Starr lamang ang nabubuhay na miyembro ng banda.

Nagwagi ang The Beatles ng kanilang una at ikalawang Grammy noong 1965 sa 7th Grammy Awards kung saan nakuna nila ang best new artist at best performance by vocal group mula sa kanilang sikat na kantang “A Hard Day’s Night”.

Bago ang kanilang paghihiwalay ay nagwagi ang banda ng dalawang pang Grammy Awards na ito ay ang best contemporary album at album of the year sa kanilang classic na “Sgt. Pepper’s Lonely Hearts Club Band”.

Taong 1997 ng magwagi sila ng tatlo pang awards sa Grammys ito ay ang Best long form music video sa kanilang “The Beatles Anthology” at dalawa pa sa “Free As A Bird” na nai-featured doon.