BACOLOD CITY – Nagdiwang ang buong team ng namayapang master of horror and fantasy films na si Peque Gallaga dahil nakapasok na sa Metro Manila Film Festival o MMFF ang Magikland movie na 2 taon nilang pinaghandaan.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Direk Christian Acuna, direktor ng nasabing Fantasy adventure movie hindi sila magsasawa sa paggawa ng mga pelikula para sa alaala at passion ng kanilang guro sa film making.
Ang Magikland ay storya ng mga kabataang hinahanap ang kanilang purpose sa buhay sa pamamagitan ng pagpunta sa iba’t ibang mundo.
Ipapakita ang mga makukulay na storya sa mga themed parks at kasama din ang Negros.
Magugunitang ang Magic Land ay hindi naihabol ni direk Peque sa 2018 Metro Manila Film Festival dahil sa hindi pa niya natapos ang principal photography.
Ayon naman kay Direk Jo Macasa, nasa sound post na bilang final revision ang nasabing fantasy film.
Ang budget ng Magikland ay halos umabot ng 100M, ito ay 95 percent animation at may high-tech visual/special effects habang kinunan naman ang mga eksena sa mga lokasyong kinabibilangan ng Tanay at Antipolo sa Rizal Province.