CENTRAL MINDANAO-Bumisita ang mga kawani ng Food and Agriculture Organization (FAO) of the United Nations sa pangunguna ni Mindanao Sub-Office Head Dante B. Eleuterio sa opisina ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.
Nakipagpulong ang mga miyembro ng FAO kay Provincial Administrator Aurora Garcia upang personal na maimbitahan si Governor Mendoza sa gagawing turnover ng mga farm machineries sa ilang mga magsasaka sa bayan ng Kabacan sa darating ng February 2, 2023.
Ayon kay Eleuterio, ang proyektong ito ay pinundohan ng Korea International Cooperation Agency (KOICA) na pinagsikapan ni Governor Mendoza noong siya ay nasa kanyang nakaraang termino bilang gobernadora ng probinsya.
Kabilang sa matatanggap ng limang (5) Community Based-Organizations sa kabacan ay ang sumusunod: 3 Corn Mills, 5 Mobile Corn Sheller’s, 7 Rice Mills, 4 Hand-tractor with implements and trailer, 2 95 HP Tractor with front loader, 2 Combine Harvester at 2 4WD Tractor with implements.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si PA Garcia at si Kabacan Mayor Evangeline Pascua Guzman sa mga kawani ng FAO sa pagsasakatuparan ng proyektong ito na aniya’y malaking tulong sa mga magsasakang Cotabateño at sa pagpapalakas ng mga programang pang-agrikultura sa probinsya ng Cotabato.