CENTRAL MINDANAO- Masayang tinanggap ni Jocille Detarino ng Kabacan Cotabato ang isang kalabaw mula sa Food and Agriculture Organization ng United Nation.
Tinanggap nito ang anak ng kalabaw na una ng naipagkaloob kay Juanito Delgado ng Brgy. Katidtuan.
Mismong si FAO-UN Representative Kati Tanninen, Municipal Administrator Ben Guzman ang sumaksi sa programa.
Ayon kay Tanninen, layunin nito na matulungan ang mga magsasaka na maipagpatuloy ang adhikain ng FAO sa mga magsasaka.
Nagpaabot nman ng pasasalamat si Mun.Admin Ben Guzman sa adbokasiya ng FAO. Aniya, malaki ang maitutulong ng ganitong programa at binigyang importansya rin nito ang malaking suporta ng FAO sa agrikultura ng bayan.
Inaasahan naman na sa oras na manganak ang kalabaw ay muling ipagkakaloob ito sa iba pang benepisyaryo.