-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang far-right politician ng France na si Jean-Marie Le Pen sa edad na 96.

Ayon sa pamilya nito na ilang linggo itong nakaratay sa pagamutan bago tuluyang bawian ng buhay.

Si Le Pen ay hindi naniniwala sa Holocaust at wala itong pagsisisi sa paglaban niya sa kasarian, lahi at immigration.

Itinaguyod niya ang French far-right National Front party noong 1972.

Umabot pa ito sa presidential election run-off laban kay Jacques Chirac noong 2002.

Noong 2011 ay pinamunuan ng anak nito na si Marine ang partido kung saan pinalitan niya ang pangalan sa National Rally na naging pangunahing political forces ng France.

Taong 2015 ng patalsikin si Le Pen sa National Rally matapos na makailang ulit ng nitong itinatanggi ang Holocaust denial niya.