Hindi pa natatalakay sa ngayon ang posibilidad na taasan ang pamasahe sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa kabila ng ilang serye nang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, ayon kay director for operations Engr. Mike Capati.
Sa ngayon, mas nakatutok aniya ang MRT-3 sa pagtulong sa mga mananakay at iniiwasan din nilang madagdagan pa ang pasanin ng mga ito.
Ngayong araw, nagpatupad ang mga oil companies ng major price hike, pagtaas sa presyuhan sa ika-11 magkasunod na linggo.
Ilang mga kompanya ang nagpatupad ng P7.10 na price hike sa kada litro ng gasolina, P13.15 sa diesel, at P10.50 naman sa kerosene.
Ilang mga grupo na ng mga public utility drivers at operators ang naghain ng petisyon para sa fare increase sa harap na rin nang pagsirit pa rin ng presyo ng mga produktong petrolyo.