-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ng beteranong singer na si Elton John ang pagpapatuloy ng kaniyang farewell tour concert.

Sa halos dalawang taon na nabinbin ang “Farewell Yellow Brick Road” ay bumalik na ito at unang isinagawa sa New Orleans.

Ayon sa 74-anyos na singer na ito na ang huling global tour niya at magreretiro na sa pagsasagawa ng concert sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Nagsimula ang nasabing farewell concert noong Setyembre 2018 at ito nahinto lamang noong 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

Matatapos ang concert tour sa Europe pagdating ng 2023.