-- Advertisements --

Patuloy na bumababa ang average farm-gate price ng palay hanggang noong unang linggo ng Abril.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba ng siyam na porsiyento ang presyo ng palay sa P18.70 kada kilo mula sa P20.55 kada kilo na presyo sa kaparehas na period noong nakaraang taon.

Nakasaad sa resulta ng survey na isinagawa ng PSA, ang pinakamurang farm-gate price ng palay ay naitala sa Caraga region sa P16.33 kada kilo.

Ang pinakamataas na average palay quotation naman ay naitala sa Central Visayas region sa P21.21 kada kilo.

Sa kabila ng pagbaba ng presyo ng palay, napanatili naman ng National Food Authority (NFA) ang effective buying price nito sa P20.70 kada kilo para maprotektahan na rin ang mga magsasaka sa negatibong epekto ng Rice Tariffication Law.