-- Advertisements --

Wala pa ring patid ang pamamahagi ng National Irrigation Administration ng mga farm inputs sa iba’t- ibang bahagi ng Pilipinas.

Kamakailan lang ay namahagi ang ahensya ng farm inputs sa mga irrigators association sa lalawigan ng Apayao sa ilalim ng Rice Contract Farming Scheme.

Kabilang sa mga ibinigay ng ahensya ay ang hybrid seeds, fertilizers, insecticides, pesticides at iba pa .

Pinakikinabangan na ito ngayon ng Bacicol Federation Irrigators Association ,Lagac-Sta. Maria IA, at Namnama ti Tamalunog IA.

Batay sa kabuuang datos , aabot sa 43 na benepisyaryo ng mga magsasaka ang mapalad na nakakuha ng naturang mga farm inputs.

Magagamit ito sa tinatayang aabot sa 71.5 ektarya ng lupang sakahan na bahagi ng contract farming.

Layon ng NIA, na mabawasan ang gastos ng mga magsasaka at tumaas ang kanilang kita na inuuwi sa kanilang mga pamilya.