CAUAYAN CITY- Mahaharap sa kasong Paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isang farm owner matapos masangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa Purok 7, Barangay Rizal, Santiago City,
ang pinaghihinalaan ay si Philip Barao, 44 anyos, may asawa, residente ng St. James Subdivision, Barangay Batal, Santiago City
Inilatag ang anti illegal drug buybust operation ng magkasanib na puwersa ng Drug Enforcement Unit, Presinto 2, Regional Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit at PDEA Region 2 laban kay Barao.
Agad na dinakip si Barao matapos na maaktuhang nagbebenta ng isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur buyer kapalit ng P3,000.00 .
Nang kapkapan ay nakuha pa mula sa kanyang pag-iingat ang perang ginamit sa transaksiyon at isa pang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa suspect, mariin nitong itinanggi ang paratang na pagtutulak niya ng illegal na droga.
Ayon sa suspect lulan siya ng kaniyang pribadong sasakyan kasama ang 8 anyos na anak nang bigla na lamang silang hinarang ng mga operatiba na nagpakilalang kasapi umano ng PDEA.
Iginiit ng suspect na magtutungo lamang sana sila ng kaniyang anak sa barangay Sinamar, San Mateo Isabela ng huliin siya ng mga otoridad.