-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa tatlong oras ang pag-apula ng apoy nang masunog ang farmer’s market ng Valencia City Bukdinon, kagabi.

Sinabi ni Valencia City information officer Sammy Langob sa Bombo Radyo Cagayan de Oro na nagsimula ang apoy sa isang stall ng merkado kung saan naiwanan ng may-ari ng stall ang kanyang nilutong sago.

Bandang alas-9:00 ng gabi nakatanggap ng tawag ang Bureau of Fire Protection (BFP) at kaagad narespondehan.

Dahil gawa sa light materials ang aabot sa 100 ng merkado, tumagal pa hanggang alas-12:00 ng madaling araw bago ma-fireout ang buong palengke.

Umabot sa second alarm ang sunog.

Wala namang naiulat na sugatan o namatay matapos ang insidente.