CENTRAL MINDANAO-Tumanggap ng isang Mobile Rice Mill ang Pisan Vegetable Organic Farmers Association mula sa Government of New Zealand sa tulong ng Food and Agriculture Organization of the United Nations, Department of Agriculture, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Lubos naman ang naging kasiyahan at pasasalamat ni Kabacan Cotabato Mayor Evangeline Pascua-Guzman sa nasabing organisasyon.
Ipinarating din nito na ang bayan ng Kabacan ay patuloy na magbibigay ng tulong sa mga grupong nais makatanggap ng kahalintulad na proyekto.
Namahagi naman ang OPAG sa pangunguna ni Cotabato Governor Emmylou Taliño-Mendoza ng mga gamit sa pagsasaka at mga fertilizers.
Ang nasabing programa ay bahagi ng Sustainable program ng FAO na may layuning mabigyan ng kakayahan ang mga magsasaka na maging entrepreneur.
Samantala, noong taong 2019 ay una ng tumanggap ng mga vegetable seeds, fertilizer at certified palay seeds ang nasabing organisasyon.
Inaasahan namang dalawa pang grupo ng magsasaka ang tatanggap ng kahalintulad na proyekto sa darating na mga araw.