-- Advertisements --
Itinapon na kamatis sa Bambang Nueva Vizcaya 2

Bumaba ang farmgate price ng kamatis sa P3 hanggang P5 kada kilo sa gitna ng sobrang suplay sa merkado.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary at spokesperon Kristine Evangelista, ipinapatupad na ang kaukulang aksiyon para matulungan ang mga apektadong magsasaka partikular na sa Region 2 at 3.

Saad pa ni Evangelista na nagbigay ng 10 truck na Kadiwa grant sa Benguet upang matulungan ang mga magsasaka sa pagdadala ng kanilang mga produkto sa trading post o sa Kadiwa centers.

Hinikayat din ang mga kooperatiba na bumili ng mga produktong pang-agrikultura ng maliliit na magsasaka, bagay na ginagawa na sa Rehiyon dos at tres kaya’t bumaba ang farmgate price ng kamatis.

Inamin din ng DA official na ang pagbaba ng farmgate price ng kamatis dahil sa logistical issue ng oversupply.

Ayon kay Evangelista na kailangang tiyakin ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng cropping calendar para mapigilan ang problema sa sobrang suplay.