-- Advertisements --

Bumaba ang farmgate prices ng asukal sa P60 per kilo pero nananatili pa ring mataaas ang mga retail prices sa P110 dahil sa overpricing.

Sinabi ni Sugar Regulatory Administration (SRA) head Pablo Azcona, na mayroon isang brand na kanilang namonitor an tumaas ang presyo ng P110 kada kilo.

Wala aniya silang magagawa sa nasabing pagtaas ng presyo dahil sa may sinusunod ilang charter ng SRA na ipinapatupad pa noong 1986.

Tanging magagawa lamang nila para mapababa ang presyo ay tiyakin na mayroong sapat na suplay ng asukal sa bansa para matugunan ang supply and demand.