-- Advertisements --
palay

Binigyang diin ng grupo ng magsasaka na ang farmgate price ng palay ay umabot sa P31 kada kilo habang ang halaga ng well-milled rice ay umabot sa P54 kada kilo.

Ayon sa farmers’ group Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So na nasa pagitan na ng P2,400 at P2,500 ang isang 50-kilo ng bigas na inihatid sa Metro Manila.

Dagdag pa niya, ang retail price ng well-milled rice ay mula P54 hanggang P55 kada kilo.

Binanggit niya na ang mga negosyante ay bumibili ng P31 kada kilo ng palay sa Isabela at Bulacan at P29 hanggang P30 kada kilo sa Pangasinan.

Dagdag pa niya, hindi na posible ang pagpataw ng price ceiling dahil nasa kamay ng mga negosyante ang stocks.

Nauna nang iminungkahi ni So ang reimposition ng price ceiling sa gitna ng inaasahang pagtaas ng retail price ng mga butil.