-- Advertisements --
Pumanaw na ang fashion designer at anak ng hari ng United Arab Emirates (UAE) na si Prince Khalid Al Qasimi sa edad na 39.
Ayon sa Emirate of Sharaj, natagpuan ang bangkay nito sa kanilang bahay sa London.
Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng kamatayan nito.
Nag-anunsiyo naman ng three-days of mourning ang UAE dahil sa pagkamatay ni Sultan Al Qasimi.
Nagpost naman ng ama nitong si Sheikh Sultan bin Muhammad Al Qasimi ng ginawa nilang pagdarasal.
Ang 39-anyos na si Al Qasimi ay lumipat ng London noong ito ay siyam taong gulang at nag-aral sa Tonbridge School.
Matapos ang pag-aaral nito sa Central Saint Martins art school sa London ay inilunsad nito ang sariling fashion label nito na Qasimi noong 2008.